"Panalangin Ng Kapanalig"
Panginoon, winika Mo na Ikaw ang aming Guro at kaming lahat ay magkakapatid.
Kaya't pinupuri ka namin na hinirang mo kami bilang mga KAPANALIG.
Ikaw ang Katotohanan at kinikilala namin ang Iyong mapagpalayang tinig .
Bilang tugon sa Iyong kalooban na kami'y maging saksi sa Katotohanan, Kami, sina NUMERIANO A. ILAGAN at GERLIE R. MUNLAWIN - ILAGAN ay naghahandog ng aming mga sarili bilang kasapi ng sambayanan ng Veritas846
Kapanalig Radio Community na nakikinig, natututo at nagmamahalan.
Tulungan Mo kaming maging tapat na mga KAPANALIG sa aming misyon na nagpapasalamat sa biyaya mo araw-araw at nagiging biyaya rin sa radyo na nagbabahagi ng ispiritwal at materyal na pagpapala sa kapwa kapanalig.
Umaasa rin kami na gagabayan kami ni Maria, ang Mahal na Birhen ng Veritas.
Amen.
With Kapanalig Bernard CaƱaberal"Veritas846Kapanalig Themesong"
Composed by Carlo Magno
Sung by Karylle
Takbo ng buhay ay nais malaman
Ano’ng patutunguhan?
Tinig ng Diyos ang ating kailangan
Gabay ng Simbahan.
Gabay ng Simbahan.
Kapanalig naghihintay sa iyong pakikinig
Mga kaibigang nagmamahal, naglilingkod at gumagabay.
Makinig, makinig sa Balitang Totoo
Panalangin, payo’t serbisyo.
Makinig, makinig sa Radyo Totoo
Veritas846.
Makinig, makinig susulong tayo
Panibaguhin ang bayang Pilipino
Makinig, makinig sa Radyo Totoo
Veritas846.
Kapanalig ka…. Kabilang ka… Makinig…
Veritas846.
With Ka Toto and Hanan
No comments:
Post a Comment