During my childhood days we were taking our summer vacations in Balud, Naujan, Oriental Mindoro. Tuwang-tuwa ako noon na sumakay sa barko, that time VIVA Shipping Lines was the famous in Batangas-Calapan route, Viva IV was the fastest, ewan ko lang kung bakit wala na sila ngayon. Pagbaba namin ng barko, kailangan naming sumakay ng jeep, then tricycle at pagkatapos ay maglalakad kami noon sa mga pilapil ng palayan, ang daming hito at palaka na aming nakikita sa mga siwang ng pilapil. Pagdating namin sa bahay ng nanay (lola) namin, tuwang-tuwa siya sa amin, isa-isa niya kaming hahagkan, pagkatapos, ipapasyal niya kami sa mga pinsan namin doon na karamihan ay di ko na matandaan ang mga pangalan, ang dami kasi nila. Malawak ang lupang pag-aari ng nanay ko, karamihan doon daw ay minana namin sa mamay (lolo) ko. My mother has six hectares share on that particular property. Ayon sa mga kuwento ng mga matatanda ay ipinagkasundo daw ng nanay ko na ipakasal ang inay ko sa edad na labing-anim na di naman sinang-ayunan ng mamay Jorge (Avante), kaya pinapunta na lang ang inay ko sa Inicbulan (marami silang pinsan noon na taga-Inicbulan na) upang manahi ng baby dress, doon sila nagkita ng tatay ko, at pagkatapos ng ligawan at di mabilang na harana, nagtanan sila ng tatay ko. Noong 22 Hulyo 1964 ikinasal sila sa bahay ng nanay ko sa Balud ng kasalukuyang mayor noon ng Naujan, Oriental Mindoro na si Manuel R. Marcos. Dahil sa tindi ng kanilang pagmamahalan, nagpakasal silang muli noong 26 Nobyembre 1966 sa tuklong ng Inicbulan ni Reb. Pdre. Juan S. Coronel upang hingin ang ganap na patnubay sa kanila ng Poong Maykapal.
Nagka-isip ako na kaanib ng isang simpleng mag-anak, wala pang kuryente noon ang bahay namin, nag-aaral kami sa ilaw ng garapa at kung medyo sinuwerte sinisindihan ng tatay ko ang coleman na de bomba. Marami akong natatandaang naging trabaho ng inay ko, pag-dudugtong ng abaka, pagbuburda, hanggang namasukan siya sa patahian sa Manghinao, tandang-tanda ko pa na isinasama niya ako at sa kabilang dulo ng makina ako natutulog sa tanghali, ang sipag talaga ng inay ko, ngunit di pa rin sapat upang mamuhay kami ng sagana, kailan lang siya tumigil ng paggawa ng Ice Candy at ibinebenta niya iyon sa Mababang Paaralan ng Inicbulan.
Bihira kaming makatikim noon ng karne, karaniwan naming pang-ulam noon ay hawot (tuyo), sapsap at dulis. Tatlong hawot noon ay 65 sentimos, na kalimitan ay ako ang bumibili sa nanay Naty sa Pookan, almusal na namin 'yon, tig-iisa kaming magkakapatid sa tatlong pirasong hawot, sa tatay at sa inay ang 3 ulo ng hawot. Maaga pa lang ay naghihintay na kami noon kapag may handaan, masarap ang pang-ulam doon.
Nakatapos din kami ng pag-aaral sa elementarya at sekondarya sa ganitong sitwasyon. Lumuwas ako noong 1984 upang mag-aaral dito sa Maynila. Linggo-lingo 100 piso lamang ang ipinapadala sa akin ng inay sa kadahilang kulang talaga ang pera namin noon. Tipid na tipid ako noon, at umiiyak siya sa akin kapag nakakuwentuhan ko siya dahil naaawa siya sa aking sitwasyon, lalo na kung Lingo na tambak ang labada ko, damit ko sa loob ng isang linggo, nagsusugat talaga ang mga kamay ko sa paglalaba.

Ngayon, sometimes I really miss that hawot and sapsap. Kung ina-alala ko rin ang pag-hihirap ng inay ko para sa amin, naluluha din ako. I am really trying to please her hanggang kaya ko. Siguro nga kaya hirap siyang lumakad ngayon ay iyon ang naging kabayaran sa mga pag-hihirap na ipinagkaloob niya sa aming mag-anak. 
Today, as the whole Christiandom is celebrating the birth of Our Mother Mary, let me thank my mother
Today, as the whole Christiandom is celebrating the birth of Our Mother Mary, let me thank my mother
MACARIA CASTILLO ADAO-Ilagan
sa lahat ng pagmamahal na ipinagkaloob at patuloy pang ibinibigay niya sa amin.
Inay, maraming-maraming salamat po sa pag-ibig, paggabay at panalangin na walang sawa mong ibinibigay sa amin araw-araw.
Mother Mary, we are seeking your great intercession to please ask GOD our Father to shower blessings, guidance and love to my mother for her to share it once more to all of us.
HAPPY BIRTHDAY MAMA MARY ! ! !

No comments:
Post a Comment