Ang buhay Kristiyano dapat tapat kay Kristo
Gabay ang simbahan sa pagtuturo ng totoo
Kailangan nating sundin at isabuhay ito
Di dapat mamili kung ano lamang ang gusto
Salu-salungat na katwiran, di ko maintindihan
Laban daw sa RH Bill, kasama pa sa lansangan
Ngunit gumagamit naman ng pildoras sa tahanan
Di na raw kakayanin kung anak ay madadagdagan
Kay lungkot isipin ang nangyayari sa atin
Sinusunod ang utos kung magaang gawin
Kung mabigat naman at mahirap sundin
Di raw naman masama kung ito ang pipiliin
Dapat nating pag-aralan at masusing balikan
Ang ating katekismo turo ng ating simbahan
Pag-gawa nang mabuti dapat sa kabuuan
Isapuso ang gagawin, buo at di napipilitan
No comments:
Post a Comment